Paanyaya
Ikaw ay malugod na inaanyahan ng Teatro Balagtas ng Pandacan sa isang pagtatanghal ng dulang “Balagtasin”. Ito ay gaganapin sa Hunyo 18, 2011, Sabado, sa ganap na 7.30 ng gabi sa Casa Nazareth, Sto. Nino de Pandacan Catholic Church. Ang pagtatanghal ay inihahandog ng Teatro Balagtas, Philippine Educational Theater Association (PETA), Samahang Sining at Kultura ng Pilipinas at Sto. Nino de Pandacan Parish Pastoral Council. Ito ay espesyal na iniuukol sa pagdiriwang ng ika-150 na kapanganakan ni Gat. Jose Rizal sa Hunyo 19, 2011.
Ang “Balagtasin” ay isang dula na magdadala kay Francisco Balagtas, ang pambansang makata na taga-Pandakan at ang kanyang kasintahang si Celia sa ibang panahon. Dito’y ipamamalas nila ang malalim na pag-ibig na tumatawid ng panahon, ang kahulugan ng tunay na pagka-kaibigan, ang pagpapahalaga sa mahal na Ilog Beata ng Pandakan at ang pagbaka sa mga “Oila” na sumisira sa buhay at Kapaligiran.
Subali’t bakit iaalay kay Rizal ang dula na nauukol kay Balagtas? Sapagkla’t alam din naman natin na si Balagtas ay idolo ni Rizal at ang Pandakan at ang Ilog Beata na pumapalibot dito ay parehong kilala at pinahalagahan ng dalawa sa kani-kanilang panahon.
Lubos kaming masisiyahan kung kayo ay aming makakasama sa gabing ito ng pagtatanghal ng “Balagtasin”. Subukan po nating dumating sa oras! At magpaabot lamang kung makakadalo. Libre po ang entrance.
Maraming salamat!
Sixto Carlos
Tagapangulo, Lupong Tagapamahala
Teatro Balagtas
Direksyon patungong Casa Nazareth, Sto. Nino de Pandacan Catholic Church
Mula Sta. Mesa o mula Espana over the Nagtahan fly-over: Pagbabang-pagbaba ng Nagtahan Bridge, kumaliwa sa Jesus St. Pagkalampas ng Caritas Manila, madaraanan ang isang maliit na tulay sa ibabaw ng Ilog Beata at kagyat na nasa kaliwa na ang Sto. Nino de Pandacan Catholic Church. Ang Casa Nazareth ay ang gusali na nasa isang tabi ng patio ng simbahan.
Mula Roxas Blvd., Malate o Osmena Highway passing through Quirino Ave: Kumanan sa Jesus St. bago umakyat ng Nagtahan Bridge. Pagkalampas ng Caritas Manila, madaraanan ang isang maliit na tulay sa ibabaw ng Ilog Beata at kagyat na nasa kaliwa na ang Sto. Nino de Pandacan Catholic Church. Ang Casa Nazareth ay ang gusali na nasa isang tabi ng patio ng simbahan.










